| |
Tulong Serbisyo ng CFO
|
| |
Patuloy ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) sa isinasagawang pulong-pulong sa mga lokal na opisyal at talakayan sa mga eskwelahan upang ipaabot and kanilang mga serbisyo at bigyang babala ang publiko partikular ang mga nakatira, nagbabalak tumira at magtrabaho sa ibang bansa para makaiwas sa mga problema tulad ng human trafficking, illegal recruitment, pagdaya sa mga dokumento at iba pang kahalintulad nito.
Sa pangunguna nina Marita del Rosario, Sr. Emigrant Services Officer; Michael Apattad, Tristan de Guzman ng Migrant Integration and Education Division at Ms. Day Siwa ng Philippine Overseas Employment Administration ay isinagawa ang nasabing pagpupulong at talakayan sa mga lokal na opisyal at mga magaaral sa mataas na paaralan nitong ika 18-19 ng Pebrero sa lungsod ng San Pablo at San Pedro.
Source: Newskey express, infocen tidbits, March 3-9 2008
|
|
| |